Monday, August 25, 2008

Alinlangan

Isaboy mo sa bumabalot na alinsangan
ang kalokohan na umiikot sa iyong pag-uutak
baka sakaling malimot din: alinlangan
dinaglat lamang ang aking nalalaman

May haharapin pagbangon sa higaan
mga bumabagabag sa aking kalooban ay tila bumangon rin
lumalaking siwang sa sahig ay takpan
bago pa bumangon at magulat sa babagsakan

Ako ay nahintakutan sa mga larawang inukit ng aking isipan
kasabay ng agam-agam na ang lahat; pawang kasinungalingan
kalahating-pag-iisip ko: kalahating katotohanan ba'y tatanggapin;
o bigla na lang iiwan?

At hayaan na lamang itong yakapin ng sapot ng limot
at tuluyang iligaw ang sarili sa tiyak na kawalan
subalit may suliranin sa alinlangan:
maging ang tiyak ay walang katiyakan.


-in progress-

Aug.26/02:35am, Month.Date/??:??/Zyrael Fortes/Jorge Badua

No comments: